<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- OtakuPlay-inside --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1413740419499987" data-ad-slot="8510209957"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>

Apr 22, 2011

OTAKU BIO: Abby Eslava and her Anime and Cosplay adventure

I was so amazed by the posted story of a cosplayer friend from Facebook that is why this time I would like to share it to everyone. I had her permission of course. Though, I would like to maintain it being in the Filipino language since it was told in her perspective. So here you go dear readers our first "Otaku Bio" from Abby Eslava.. You can submit your own Otaku Bio to us at shenbrood16 at gmail dot com.

I made this note because I want to express myself and also, because of my Boredom

Nagsimula ako manuod ng anime nung bata pa ako. Korni man isipin at sabihin, Sailormoon first love ko and I'm not ashame to say that. When I was at Grade 4 mas nagustuhan ko manuod ng anime every weekends. Yung mga nasa Hero Zone and palabas sa TV. Angelic layer at His and Her Circumstances naman kinaadikan ko nun. Tapos nung grade 5 na ako, naadik ako sa Kaleido Star. Nakaka-elibs kasi yung routines and yung gymnastics chuchu. Hindi kumpleto araw ko kapag di ko yun napanuod sa QTV. YES! D siya sikat, I'm not after kung anu ang latest at uso, basta maganda yung series GUSTO KO SYA! Besides that, nagustuhan ko rin yung Naruto series nung bata pa lang sila xD Nung grade 6 na ako, bago magpraktis sa graduation di ko pinapalampas kahit isang episode ng Pichi pichi pitch sa QTV. Uunahin ko pa yan bago ako maligo! hahaha :)) Pinag-usapan pa namin yun niGrace Esmaya sa classroom xD

Nung first year na ako, medyo nag lie low ako sa panunuod ng anime. Ewan ko kung bakit. Pero bago magtapos yung school year, naadik ako sa Special A. Kasi pinapanuod ko un sa TV5 bago mag lipgloss every saturday. Nagustuhan namin yun nila Cielo, Marineh, Jeline, at Voenamir. Dahil dun, bumalik na naman bisyo ko kapapanuod ng anime. Tapos dun na ko nagsimula mangolekta ng anime DVD's. Ni-recommend sa ken ng kapatid ko yung shugo chara kasi sabi ng classmates nya, maganda daw yun. Pinanuod ko naman! Ayun! Nagustuhan ko! Naadik ako. Nirecommend ko din yun kay Jeline. Tapos, nadiskubre ko den na gusto rin yun nilaZenvic at Kinsen. Nagpatuloy na ang addiction ko. Nung second year na ako, every week bumibili ako ng cd ng anime.. pero di naman lahat napapanuod ko lahat. Nagsimula ako sa 4 na cds ngayon 70+ na sya. At marami pang nakatambak xD Nung HOPE ako, lagi namin pinag-uusapan nila Cielo, Jacque, Voenamir at Angelica yung anime. Minsan pag walang teacher, nasa sulok kami at kumakanta ng Sakura Kiss at iba pang anime songs. Tapos yung OTAKUZINE nila Jeline at Cielo, pinagpapasapasahan namin para basahin yun. Tapos, may nakita kaming cosplayer dun sa magazine Vampire Knight ata yung cinosplay. Sabi namin "Anu ba yan! ang panget naman nya! Di naman nila kamukha." Yes! Yan ang FIRST IMPRESSION NAMIN PAGDATING SA COSPLAY!

Nung nag-end na yung school year, inaya ako ni Mara umattend ng Ozine Fest. Nung una ayaw ko kasi wala na kong pera. 200 na lang yung tira kung pera nung time na yun. Pero na-convince naman ako kaya sumama na ko. Kasama namin sina Jeline, Kenneth, at Zenvic. Nakita rin namen si Grace sa convention. Cinosplay nya si CC. Ayun! Nag-enjoy naman kami kapipicture sa kanila. Nakita rin namin si ate Hazel nun. Kasu nahiya kami magpapicture kasi di pa kami close. Nung nasa bus na kami pauwi, gusto na nila magcosplay at ayaw ko pa nun. K-on initial plan namin. Ayun, Ozine completed my summer. Nagpatuloy ako sa panunuod ng anime at pagbabasa ng manga kahit abutin pa ko ng umaga kapapanuod nung summer. Tumaas ng husto yung kuryente namin dahil saken. Pinagalitan ako at nagrounded pa kami sa paggamit ng computer pero nanunuod pa rin ako, dun nga lang sa portable DVD.

Nagpatuloy pa rin ako kakanuod ng Anime pero di ko pa rin pinapapabayaan studies ko. Binabalance ko naman. Nung pasukan na, nagkayayaan na magcosplay. Nagkaroon na ng Cosplans. Dapat talaga K-on lang icocosplay namin pero naisingit namin yung NARUTO SHIPPUDEN. Naisingit naman at nag-enjoy pa kami. Kasama sa casts sina Lorenz, Kenneth, Zenvic, Jeline, Danica, at ako pa lang nung una. Wala pa kaming Sasuke nun kea naghanap kami. Nagpost ako sa wall ng Naruto Cosplayers, nagsisimula pa lang sila nun. Pero active sila, may nagrespond kaagad sakin na pwedeng tumulong sa paghanap ng Sasuke. Si kuya Longskie ata yung unang nagrespond tapos nagkayayaan na by accident. Konoha vs. akatsuki daw sa UP AME. Nung una may hesitations pa ako pero ignore lang. Go na kaming lahat. Kasama sa akatsuki sina Kuya Myk, Bien, David, atbp. Si Kuya Jerik yung Kakashi. Tapos nadiskubre ni Kenneth si Kintaro. Ininvite namin siya. Pumayag naman. Nag-away pa nga kami ni kuya Bien nun pero naayus din ^_^ May issue pa ngang Akatsuki love Konoha daw kasi nagkaroon ng bagong love teams. Isa na dun si ate danica at kuya matt. Kaelibs kasi sumayaw si ate dan. *drools* Sayang di nakasama si Kuya Matt. Pero thankful kami sa kanya. Sya kasi supplier namin ng kunai. ;)

After practice, nagskit kami. Kay tita Bakels kami nagpamake-up ;) Nagcosplay rin sina Cielo at Katrish. Sumama din sa Patricia saka si Remo. Fail daw yung event na UP AME dahil sa guard at shortcomings nila, Pero despite what happened, nag-engoy pa rin kami.

After UP AME, umattend rin ako sa NCPH open photoshoot at ToyCon.Naging ka-close ko din si Bless nung PS. Kasama ko syang kumain <3 Dapat kukumpletuhin namin yung Team Gai kasu di natuloy. Late na kasi nagpagawa ng costume si Remo. Si Remo sana si Rock Lee at si kuyaJerry si Neji. Pero okay lang. Masaya pa rin naman. Dun ko rin na-meet yung Triple A, PCA and other cosplayers na naging friends ko. Naelibs pa nga ako kay kuya Eric kasi naiintindihan nya yung mga nakasulat sa scroll. Di ko rin nakilala si ate Cherrie sa Shino cos nya. Enjoy naman. Last Feb 25 umattend kami ng photoshoot for a cause with STSN COSPLAYERS; marami kaming STSN COSPLAYERS kasu ang hirap isa isahin. Sumama rin si Ms.Armie.May mga nangyaring disappointments pero naayus rin namen. Ayun, nag-enjoy naman kami sa pagtulong sa cancer patients by cosplaying. Nung 4th PCC, napasubo ako after nung shoot sa GMA. Sandali lang yung shoot. Kasama ko si Kuya Bien papunta dun. Enjoy ulit. Na-meet ko rin yung idol ko si Kuya Eji at si Master Pogi ;) hahaha. Nakita ko rin dun si Lolo Lenarth at yung iba nyang kasama. Sinabi pa nga ni Mac na Mulawin daw yung cinosplay nya. Puro kami tawa nun. Kasi ang kulit ant ang sayang kasama nila ate HAZEL. Napagtripan pa namin ung plastic na halaman dun sa Robinson, ginawa naming sword xD Super enjoy ang aking SWEET ESCAPE <3 Malapit ng mag-ozine. Another adventure ulit :) In Cosplaying, I realized something. Cosplay community might be another dimension of our worlds, but that dimension will always be part of our REALITY that fulfills our humanity. It is happy to make other people happy, to make friends, and to help other people. This help me boost my self-esteem by portaying my desired character. There might be people who are against of anime and cosplaying but they are not the borders to continue our passion for loving it.

Thanks Abby for allowing me to post this story here. Remember, you can submit your own Otaku Bio to us at shenbrood16 at gmail dot com.


Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

No comments:

Post a Comment